"What's up, Bess?"

Tuesday, December 26, 2006

"Ang Pasko ay Sumapit!"




Ito ang itsura ng bahay namin ngayong panahon pasko.
Ang "Christmas Tree" sa gitna ng sala at hapag kainan, na pinagtyagaan ni Ate Queen na lagyan ng ilaw at palamuti. Si daddy ang naglagay ng "ribbon" na nakapulupot at kinumpleto ko sa paglagay ng sinamay sa may paanan ng puno. Ang "french window" sa may terasa ay tinakpan ni daddy ng "Nativity" at pinunuan din namin ni Ate Queen ng mga tala-para authentic ang dating-hehe!
Sa may garden man din ay may dekorasyon pa rin-ang mga dekulay na ilaw sa may halaman at curtain lights sa may bubungan.
At syempre d kumpleto ang pasko kung wala ang parol- ang malaking pulang parol na nilagyan ng ilaw at isinabit sa may gilid ng bahay.

Pero tila kakaiba yata ang aming pasko ngayong taon. Syempre masarap pa rin ang pagkain (arroz caldo, queso d bola, hamon, fruit cake foccacia bread ng italianni's at ang lasagna na gawa ni mommy). Ngunit d tulad nung nakaraang mga taon, d magagarbo ang aming damit nung kami'y kumain ng noche buena. Nakakatawa mang isipin pero naka pangbahay lang kami. Bakit? Madaling araw kasi ng Dec 24 dumating si Joey galing Singapore. Natulog ng kaunti pagkakain ng almusal at namasyal na kami-excited kasi si Nathan na ipakita sa daddy nya ang mga WWE action figures sa mall (umaasang ibibili sya-hehe!). At dahil huling araw sa pag shopping ng regalo, maraming tao at traffik. Gabi na kami naka-simba (simbang pang linggo) at naka uwi. Alas 10 na kami nag hapunan at gawa ng pagod namin ay nagpasya kami na kinabukasan nalang mag simba (para sa araw ng pasko) at matulog nalang. Ginising nalang kami nila Nathan at mommy ng sumapit ang alas dose-NOCHE BUENA NA! Wala ng oras magbihis kaya nakapangbahay nalang kami-hehe! Enjoy naman din!


Pagkakain ng Noche Buena, bigayan na ng regalo. Binigyan namin sila mommy ng pabango (DKNY na his and her), at binigyan naman nila si joey ng nike na shoe bag at cash para sa akin. Si joey niregaluhan namin ni Nathan ng shorts. The best naman ang regalo ni Joey sa akin Sony Ericsson na walkman phone-2 in one na yan, birthday at christmas gift. Si Nathan ang may pinaka maraming natanggap na regalo (psp games, memory card (galing samin ni Joey), shorts (galing kay Ate Luz-yaya ko), pera (bigay ng lolo at lola) at ang pinaka aabangan nyang WWE Action Figure (Shelton Benjamin, mula kay Sta. Claus daw!).


Kinabukasan nagtungo kami sa bahay ni Auntie Aurora para sa aming family reunion (sa side ni Daddy-Bunag side). Marami ang d nakapunta kaya mas konti kumpara noon. Syempre may palaro pa rin si Auntie Aurora para sa lahat. At mawawala ba naman ang kantahan?! Salamat sa magic mic! Si Nathan 3 beses kumanta! Sandali lang ang get together namin (3-7pm) pero sapat na para magkwentuhan at magkita kita (lalo na para sa mga pinsan kong mula pa sa Germany at Austria).



0 Comments:

Post a Comment

<< Home