Blk 279, Unit 09-01
Ang Blk 279, Unit 09-01 ang palagi naming pinupuntahan nila Vicky at Marilou tuwing Biyernes ng hapon habang nag-iintay sa aming mga supling na nasa kani kanilang CCA (co-curricular activities). Masaya kami tuwing napapadpad sa bahay na ito. Chikahan (kahit minsan nasa bang channel si vicky-hehe), tawanan, at syempre kainan. Palaging masarap ang miryenda namin sa Unit 09-01.






Sya nga pala ang kaibigan naming si Anna ang nakatira sa Blk 279 Unit 09-01. Magaling sya magluto at mag "bake." Sa kanya kami lagi nagtatanong pagdating sa pagkain.

Si Christian,Vicky, Marilou, Tanyita at ako, at si Anna
Nung nakaraang biyernes, ika 20 ng Hulyo, bumisita kaming muli kila Anna. Tulad ng dati, kwentuhan at kainan pa rin-gumawa kasi si Anna ng masarap at hitic na pandesal, mmmm....sarap! Panalo! Ang mga bata man diy natuwa ring pumunta dun dahil nakapaglaro silang sama sama. Ang kaibahan lang nitong Biyernes na ito ay nagkantahan/videoke kami. Syempre mas masaya at maskwela. Pati mga anak namin naki agaw sa mikropon (hehe!). D namin namalayang lumipas ang oras. Umuwi kami ng pasado ala sais na. Bitin! Sa Biyernes nalang ulit!





0 Comments:
Post a Comment
<< Home